Bajaj Wego P5009 Boosts Pangasinan Data Provider

Jay Mark Aquino posing with his Bajaj Wego P5009 electric vehicle in Pangasinan for his data network business with blue side borders

Read how Pangasinan technician Jay Mark Aquino relies on the Bajaj Wego P5009 electric vehicle to cut daily costs and grow his network provider business.


Data network provider Jay Mark Aquino from Pangasinan uses the Bajaj Wego P5009 electric vehicle to grow his business. Designed for ultimate practicality, the EV delivers an efficient 212 km range on a single 4.5-hour charge. With running costs as low as ₱0.80 per kilometer, it drastically cuts everyday fuel expenses. Furthermore, the low-maintenance three-wheeler offers Smart Driving Modes for city commuting. For Jay Mark, the Bajaj Wego P5009 represents a high-return investment powering his business growth and everyday confidence.

– Dee Lane |  Traffic Network PH

OFFICIAL RELEASE: Bajaj Philippines | PUBLISHER: ADVAI

Para kay Jay Mark Aquino, isang data network provider mula sa Pangasinan, ang pagbili ng bagong sasakyan ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng dagdag na gamit sa byahe. Para sa kanya, naging bahagi ito ng isang magandang oportunidad upang mapalago ang kanyang trabaho at negosyo.

“Kaya bumili ng sasakyan dahil nagkaroon ng magandang opportunity sa negosyo.” – Bilang isang data network provider at tagahanga ng electric technology, nakita ni Jay Mark ang practicality ng BAJAJ WEGO P5009 para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. Nakatulong din sa kanyang desisyon ang kanyang dating karanasan at tiwala sa Bajaj.

“Dahil fan ng electric, ginrab ko ‘to dahil sa practicality, at subok na base sa pangalan na Bajaj.” –Mahalaga para kay Jay Mark ang pagiging matipid ng kanyang sasakyan. Karamihan sa kanyang mga ruta ay nasa loob lamang ng lungsod, kaya nakita niya sa BAJAJ WEGO P5009 ang isang practical na electric vehicle na makakatulong sa kanyang trabaho at negosyo.

“Tulad ng sabi ko, ako po ay technician, nakita ko kasi sa electric ay napaka tipid po.” –Isa sa mga nagustuhan niya ay ang mababang running cost ng BAJAJ WEGO P5009, na maaaring umabot sa ₱0.80 kada kilometro. Para kay Jay Mark, ang pagtitipid na ito ay mahalaga dahil nakikita niya ang potensyal nitong makatulong sa mabilis na pagbawi ng kanyang investment.

Jay Mark Aquino posing with his Bajaj Wego P5009 electric vehicle in Pangasinan for his data network business

Hindi rin hadlang ang charging sa kanyang araw-araw na paggamit. Ang BAJAJ WEGO P5009 ay may up to 212 km range sa isang full charge at maaaring ma-full charge sa loob ng 4.5 oras, na nagbibigay sa kanya ng mas practical na paraan para maka-biyahe at magtrabaho araw-araw.

“Sa nakikita ko naman napaka dali gamitin, talagang napa bili ako dahil kailangan talaga, yan lang ang nakita kong electric na pasok sa hinahanap ko.”- Bukod sa range at charging duration, nagustuhan din ni Jay Mark ang Smart Driving Modes ng BAJAJ WEGO P5009, na nagbibigay ng iba’t ibang driving options depende sa pangangailangan sa kalsada. 

Bilang bagong may-ari, excited si Jay Mark na gamitin ang BAJAJ WEGO P5009 sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Higit pa sa pagtitipid, nakikita rin niya ang pagiging isa sa mga unang may ganitong electric three-wheeler sa kanyang lugar bilang isang source of confidence.

“Na eexcite ako sa Bajaj Wego P5009 sa pang araw araw dahil siya po ay napaka tipid, halos walang maintenance, at ako pa lang ang meron dito, at napapatingin sila, tumaas ang confidence ko dahil ako pa lang ang meron. Electric is less maintenance, less moving parts, hindi kailangan i change oil. Medyo may kamahalan, pero sa pang matagalan, mababawi naman natin.”

Ngunit higit pa sa practicality at savings, may mas personal na dahilan kung bakit mahalaga kay Jay Mark ang kanyang bagong sasakyan. Para naman sa mga nag-iisip na gumamit ng BAJAJ WEGO P5009, naniniwala si Jay Mark na mahalagang tingnan hindi lamang ang initial investment, kundi pati ang pangmatagalang benepisyo.

“Nanggaling ang lakas ko sa pangarap na matutupad kasama ang Bajaj Wego.”– Para kay Jay Mark, ang BAJAJ WEGO P5009 ay higit pa sa isang sasakyan. Isa itong practical na investment para sa kanyang trabaho, negosyo, at mga pangarap. Sa bawat biyahe, dala nito ang efficiency, convenience, at confidence na kailangan niya upang patuloy na sumulong.

Para sa mga katanungan at orders, i click ang link na ‘to: [LINK] o bisitahin ang www.bajaj.com.ph para malaman ang pinakamalapit na authorized dealer. 


ALl-New Aerox
728px-W-x-90px-H_15

Digital dashboard screen of the Yamaha New Aerox displaying digital gauge and Y-Connect integration

728x90px_Raider

Elevate your digital journeys in tech-driven mobility with Traffic Network PH powered by Bajaj Philippines.

.

TNPH WEBSITE AND SOCIAL MEDIA QR CODE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *