900 School Kits Spark Hope for Brigada Eskwela 2025
Metro Pacific Tollways South (MPT South) donated 900 school supply kits to various public schools in Cavite and Parañaque from June 9-11, 2025, in support of DepEd’s “Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa” Brigada Eskwela. This initiative, part of MPT South’s CSR program, aims to help families prepare for the upcoming school year, ensuring students in areas like Imus, Silang, General Trias, and Bacoor start classes confidently. The kits, containing essential supplies, were distributed to numerous schools, including a highlighted turnover at Salinas Elementary School in Bacoor attended by Congresswoman Lani Mercado Revilla.
–Diana Lyn A | Traffic Network PH
MPT South, Nagbigay ng 900 School Kits Bilang Suporta sa Brigada Eskwela 2025
OFFICIAL RELEASE: MPT South | PUBLISHER: ADVAI
Bilang suporta sa taunang Brigada Eskwela ng Department of Education, na may temang “Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa” ngayong 2025, nagbigay ang Metro Pacific Tollways South (MPT South) ng 900 school supply kits sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Cavite at Parañaque nitong Hunyo 9–11, 2025.

Ang layunin ng donasyon ay tulungan ang mga pamilya sa kanilang paghahanda para sa school year 2025–2026 at bigyang suporta ang mga estudyante upang makapagsimula ng klase nang maayos at may kumpiyansa. Umabot ang donasyon sa iba’t ibang paaralan sa mga lungsod at bayan ng Imus, Silang, General Trias, Kawit, Bacoor, at Parañaque, kabilang ang: Alapan II-B Barangay Hall, Malagasang II-B Barangay Hall, Hipolito Saquilayan High School, at Alapan II-A Elementary School sa Imus; Tibig Elementary School sa Silang; Cecilio M. Saliba Elementary School, Governor Ferrer M morial Integrated National High School, at General Trias Memorial Elementary School sa General Trias; Florante Ilano Elementary School at Binakayan National High School sa Kawit; Perville Daycare Center Moonwalk, Sto. Niño Elementary School, at San Dionisio Elementary School sa Parañaque; at Salinas Elementary School at Longos Elementary School sa Bacoor.
Ang bawat kit ay naglalaman ng ballpen, notebook, pad paper, crayons, at plastic envelope—na makatutulong upang mas maging handa ang mga bata sa nalalapit na pasukan.

Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng donasyon ay ang turnover ng MPT South sa Salinas Elementary School sa Bacoor, na nagkataong ginanap din sa araw ng opisyal na pagbubukas ng Brigada Eskwela 2025 ng lungsod ng Bacoor. Naroon si Congresswoman Lani Mercado Revilla upang personal na masaksihan ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa kanilang mga bagong gamit: “Taos-puso akong nagpapasalamat sa CAVITEX para sa kanilang aktibong pakikilahok sa Brigada Eskwela dito sa Bacoor. Malaking tulong ang inyong suporta at volunteer work sa paghahanda ng ating mga paaralan para sa ligtas at maayos na pagbabalik ng ating mga mag-aaral. Maraming salamat, CAVITEX! Sama-sama, tulong-tulong, para sa mga paaralan ng Bacoor!”
Ayon kay Arlette V. Capistrano, Vice President ng Communication and Stakeholder Management sa MPT South, “Sa bawat kilometro ng aming expressway, dala namin ang layunin na mas mapalapit ang oportunidad sa mga Pilipino—at bahagi nito ang edukasyon. Ang Brigada Eskwela ay ang sama-samang pagkilos para tiyaking may kaagapay ang bawat batang Pilipino sa kanilang paglalakbay sa pagkatuto. Ipinagmamalaki naming maging bahagi ng adhikaing ito,”

Ang Brigada Eskwela donation drive ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) program ng MPT South—isang inisyatibo na nakatuon sa edukasyon, kalikasan, kaligtasan sa daan, at kabuhayan ng komunidad.
Tungkol sa MPT South
Ang MPT South ay isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang nagpapatakbo sa madaming toll road networks sa bansa, tulad ng CALAX, CAVITEX, NLEX, SCTEX, at CCLEX.
Elevate your digital journeys in tech-driven mobility with Traffic Network PH powered by MPT South.
