Biyaheng South Wins Quill Award: A Passport to Cavite’s Cultural Gems

2025 Sep 3 1200 pm MPTS 1 TNPH

MPT South’s ‘Biyaheng South’ tourism initiative bags Quill Award for promoting Cavite’s heritag


Metro Pacific Tollways South (MPT South) has been honored with an Award of Merit at the 21st Philippine Quill Awards for its ‘Biyaheng South’ Cavite Tourism Passport. The prestigious award, presented by the International Association of Business Communicators (IABC) Philippines, recognized the initiative for its excellence in promoting tourism. The passport serves as a creative tool to encourage travel, helping tourists rediscover Cavite’s heritage and supporting the province’s local businesses. This recognition highlights MPT South’s commitment to sustainable tourism and regional economic growth.

Diana Lyn A |  Traffic Network PH

OFFICIAL RELEASE: MPT South PUBLISHERADVAI

City of Manila—Ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang unit ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ay buong pagmamalaking tumanggap ng Award of Merit sa 21st Philippine Quill Awards para sa ‘Biyaheng South’ Cavite Tourism Passport. 

2025 Sep 3 1200 pm MPTS 2 TNPH

Ang Philippine Quill Awards, na inorganisa ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines, ay itinuturing na isa sa pinakaprestihiyosong programa ng parangal sa bansa para sa Business Communication. Pinararangalan nito ang mga natatanging programa, campaigns, at publications na nagpapakita ng kahusayan sa strategy, creativity, at impact nito, habang nag-aambag din sa paglago ng mga organisasyon at komunidad. 

Natanggap ng ‘Biyaheng South’ Cavite Tourism Passport ang Award of Merit sa ilalim ng Communication Skills Division, Publications Category. Namumukod-tangi ang proyektong ito bilang isang malikhaing inisyatibo na nagpo-promote ng iba’t-ibang mga destinasyon sa Cavite, mula sa mga natatanging local food spots, hanggang sa mga cultural landmarks. 

Ang improved version ng pasaporte ay muling inilunsad noong Agosto 1, 2025, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, na nagbibigay sa mga turista ng isang nakakaengganyong paraan upang muling matuklasan ang cultural heritage ng Cavite habang pinapalakas ang mga lokal na Negosyo sa probinsya. Ang proyektong ito ay nagsisilbing isang natatanging tool upang hikayatin ang paglalakbay sa South, na umaayon sa adbokasiya ng MPT South na suportahan ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon at sustainable tourism. 

“We are truly honored to receive this Award of Merit for our Biyaheng South Cavite Tourism Passport. It inspires us to keep creating projects that celebrate local heritage, empower communities, and enrich the driving experience of every traveler along our expressways,” saad ni Arlette V. Capistrano, Vice President of Communication and Stakeholder Management ng MPT South. 

2025 Sep 3 1200 pm MPTS 1 TNPH

Sa pagkilalang ito, inaasahan ng MPT South ang higit pang pagbabago at pagtatanghal ng mga inisyatibo na nagtataguyod ng inclusivity, pagpapahalaga sa kultura, at paglago ng ekonomiya—na nagtataguyod sa South hindi lamang bilang isang destinasyon, kundi isang umuunlad na sentro para sa turismo.


Elevate your digital journeys in tech-driven mobility with Traffic Network PH powered by MPT South

TNPH WEBSITE AND SOCIAL MEDIA QR CODE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

LinkedIn
LinkedIn
Share
Instagram
FbMessenger
Tiktok
Copy link
URL has been copied successfully!