Explore Cavite’s Rich History: MPT South’s Tour Unlocks Revolutionary Tales and Heritage Sites
MPT South’s “Tara! Let’s Explore Cavite” heritage tour recently offered participants a deep dive into Cavite’s rich history and culture. Through an immersive full-day trip, media, content creators, and raffle winners explored iconic churches and historical sites like the Aguinaldo Shrine and Fort San Felipe, brought to life by reenactors. The program, facilitated by easy access via CAVITEX, aims to promote regional tourism by highlighting Cavite’s vibrant past, local cuisine, and accessible historical treasures. MPT South emphasizes that modern expressways make revisiting our heritage easier than ever.
–Diana Lyn A | Traffic Network PH
“Tara Let’s Explore Cavite” na proyekto ng MPT South nagbalik tanaw sa kasaysayan
OFFICIAL RELEASE: MPT South | PUBLISHER: ADVAI
June 27, 2025—Ang Cavite ay nananatiling isa sa pinaka-makulay na lalawigan sa Katimugan pagdating sa kultura, kasaysayan, at mga lokal na pagkain.
Bilang bahagi ng pangako nito sa pagtataguyod ng turismo sa rehiyon, ang Biyaheng South, ang tourism advocacy program ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), ay inilunsad ang “Tara! Let’s Explore Cavite”; ito ay isang buong araw na heritage tour na nagdala sa mga piling kalahok sa mga kilalang simbahan, makasaysayang pook, at patok na kainan sa lalawigan. Dahil sa Manila–Cavite Expressway (CAVITEX), mas madali at komportable na ngayong marating ang mga destinasyong ito mula sa Metro Manila.
Ang mga napiling kalahok ay nagmula sa isang online raffle na isinagawa sa Biyaheng South Facebook page. Kasama nila sa tour ang mga media partners, content creators, at isang grupo ng reenactors na nagbigay-buhay sa mahahalagang tagpo sa kasaysayan ng Cavite, isang kakaibang karanasang at dagdag-halaga sa buong paglalakbay.

Pagsilip sa mga Makasaysayang Simbahan ng Cavite
Nagsimula ang makasaysayang paglalakbay ng mga kalahok sa bayan ng Kawit, sa Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene—isang simbahan na itinayo noong ika-18 siglo at kinikilalang isa sa mga pinakamatanda sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang milagrosong imahe ni Santa Maria Magdalena, na siyang patron ng bayan. Bukod sa kahalagahan nito sa pananampalataya, dito rin bininyagan si Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng Pilipinas.
Paano makarating sa Kawit: Mula Metro Manila, dumaan sa CAVITEX at lumabas sa Marulas Exit. Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay mararating na ang simbahan.

Mula Kawit, nagtungo ang grupo sa Diocesan Shrine of Saint Augustine and Parish of the Holy Cross sa Tanza. Kung si Santa Maria Magdalena ang pinararangalan sa Kawit, si San Agustin naman ang patron ng Tanza. Matapos magpunta sa nasabing simbahan, pumunta naman ang mga Ka-Biyahero sa Sta. Cruz Convent Museum, isang maliit na museo na naglalaman ng mga relihiyosong antigong gamit, alaala, at sining na nagpapakita ng mayamang pananampalataya at kultura ng Tanza.
Paano makarating sa Tanza: Mula Metro Manila, dumaan sa CAVITEX mula Roxas Boulevard, dumiretso sa Centennial Road patungo sa Tanza.
Pagkatapos sa Tanza, nagtungo ang grupo sa bayan ng General Trias upang masilayan ang St. Francis of Assisi Parish Church—isang simbahan na kilala sa matatag nitong arkitekturang kolonyal na nanatiling buo sa paglipas ng panahon.
Paano makarating sa General Trias: Mula Metro Manila, dumaan sa CAVITEX sa pamamagitan ng Roxas Boulevard, at sundan ang Centennial Road papunta sa General Trias.

Pagbabalik-Tanaw sa Rebolusyonaryong Kasaysayan ng Cavite
Pagkatapos bumisita ng grupo sa mga makasaysayang simbahan, pumunta ang grupo sa Café Antix sa Cavite City para mananghalian. Sa makulay at retro-inspired na ambiance ng café, inihain ang mga pagkaing lokal na may modern twist.
Matapos ang tanghalian, ipinagpatuloy ng grupo ang heritage tour sa mga makasaysayang lugar sa Cavite City. Una nilang binisita ang Ladislao Diwa Shrine, ang pinangalagaang ancestral home ni Don Ladislao Diwa, isa sa mga nagtatag ng Katipunan. Dahil sa kanyang mahalagang papel sa Rebolusyong Pilipino, idineklara ng National Historical Institute (NHI) ang bahay niya bilang pambansang dambana o national shrine—isang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa ating kalayaan.
Sumunod naman dito ay ang Plaza De Armas, o 13 Martyrs Monument, isang tahimik ngunit makapangyarihang alaala sa labintatlong Caviteñong binitay ng mga Kastila noong Setyembre 12, 1896 dahil sa umano’y pakikilahok sa rebolusyon. Matapos nito, dumaan sila sa Samonte Park, isang bukas na espasyo kung saan madalas mamasyal at magpahinga ang mga taga-lungsod.

Isa sa mga pinakahihintay na bahagi ng tour ay ang pagbisita sa Fort San Felipe, isang makasaysayang lugar na nasa loob mismo ng Naval Base ng Philippine Navy sa Cavite. Itinayo ito ng mga Kastila noong 1609 at nagsilbing pangunahing tanggulan laban sa mga pirata at dayuhang mananakop.
Binigyan ang mga Ka-Biyaheros ng exclusive tour sa loob ng lugar kung saan sila’y naglakad sa mga lumang pasilyo at batong patio na mistulang bumabalik sa mga panahon ng kolonya.

Nagtapos ang araw sa isang guided tour sa loob ng bagong gawang Cavite City Hall. Bukod sa tungkulin pang-pamahalaan, isa na rin itong sentro ng kultura ng komunidad na sumasalamin sa pangarap ng lungsod para sa mas inklusibong pag-unlad. Sa likod ng city hall, matatagpuan ang Unlad Cavite Pier, isang baywalk-style na destinasyon kung saan tanaw ang magandang tanawin ng Manila Bay. Dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magpahinga at namnamin ang sariwang simoy ng hangin sa dagat. Katabi naman nito ang bagong tayong amphitheater—isang bukas na espasyo para sa mga pagtatanghal, kultural na programa, at pagtitipon ng komunidad.

Paano makarating sa Cavite City: Mula Metro Manila, dumaan sa CAVITEX mula Roxas Boulevard, at lumabas sa Marulas Exit patungong Tirona Highway. Pagkalampas ng Aguinaldo Shrine, kumanan sa Magdiwang Highway papuntang Tabon. Pagdating sa Jollibee Noveleta, kumanan muli—mula roon, ilang minuto na lang at makararating na sa Cavite City proper.
“Malalim ang aming paniniwala na ang pamana ay dapat aktibong maranasan at hindi lamang alalahanin. Ang Cavite ay isang probinsyang maraming kwento na malaki ang naging impluwensya sa kasaysayan ng ating bansa. Nais ng Biyaheng South’s ‘Tara! Let’s Explore Cavite’ na parangalan at ilawan ang mga mahahalagang pook-pamana at anyayahan ang lahat na mamasyal at madiskubre ang mga pinagsimulang lugar ng mga ito,” sinabi ni Arlette V. Capistrano, Vice President, Communication and Stakeholder Management ng MPT South. “Layunin naming ilapit ang mga makasaysayang yaman ng Cavite sa mas maraming tao. Dahil sa mga modernong expressways tulad ng CAVITEX, mas madali na ngayong marating ang mga lalawigan tulad ng Cavite. Sa mga ganitong programa, hindi lang natin pinapaikli ang biyahe—pinalalapit din natin ang mga tao sa ating kasaysayan at kultura.” Padagdag pa ni Capistrano.
Ang “Tara! Let’s Explore Cavite” leg ng aming Biyaheng South ay higit pa sa isang simpleng road trip—isa itong pagdiriwang ng kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na binibigyang-halaga ng MPT South ang mga kuwento at pamanang bumuo sa ating bansa. Sa pamamagitan ng CAVITEX, mas pinadali na ang pagbisita sa mga makasaysayang pook ng Cavite. Higit kailanman, ngayon ang tamang panahon para maglakbay, matuto, at muling damhin ang ating kasaysayan.
Elevate your digital journeys in tech-driven mobility with Traffic Network PH powered by MPT South.
