Received an NCAP Notice of Violation? Learn how to safely verify your traffic ticket, use official LGU payment channels, and protect yourself against online scams.
With Metro Manila reimplementing NCAP on October 5, 2026, motorists must verify official notices sent via postal mail. Furthermore, always cross-check violation details against LTO records. However, avoid clicking unsolicited text or email links, as these are common phishing scams. Therefore, settle fines or file formal protests within 10 working days using official LGU portals. Doing this prevents vehicle registration alarms. Always stay vigilant, use authorized channels, and keep contact details updated.

FULL OFFICIAL PRESS RELEASE:
Ano ang Dapat gawin Kapag Nakatanggap ng NCAP Notice of Violation?
Mga motorista, pinaalalahanang tiyakin ang pagiging lehitimo ng mga abiso, gumamit ng opisyal na payment channels, at mag-ingat sa mga scam
METRO MANILA, Pilipinas — Kasunod ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila noong October 5, 2026, hinihikayat ang mga motorista na maging pamilyar sa tamang proseso ng pag-check ng traffic violations, pagbabayad ng multa, at pag-file ng protest.
Kasabay nito, pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga posibleng scam na gumagamit ng pekeng traffic violation notices at payment links. Ang official NCAP Notice of Violation (NOV) ay ipinapadala lamang sa pamamagitan ng physical mail o courier sa registered address ng vehicle owner base sa records ng Land Transportation Office (LTO). Ang mga text message, email, o messaging app notifications na nagsasabing may violation ang isang motorista at may kasamang payment link ay dapat ituring na scam.
Pinapayuhan ang mga motorista na huwag i-click ang unverified links at huwag ibahagi ang kanilang personal information, bank account details, e-wallet credentials, o one-time PIN (OTP).
Suriin ang Detalye ng Notice of Violation
Kapag nakatanggap ng NOV, suriing mabuti ang mga detalye ng alleged violation, kabilang ang petsa, oras, at lugar ng insidente, ang uri ng traffic offense, at ang kaukulang multa base sa standardized schedule of fines sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023 o Single Ticketing System.
Naglalaman din ang NOV ng screenshots ng insidente at QR code na maaaring i-scan gamit ang mobile phone upang mapanood ang video evidence ng alleged violation.

Gumamit Lamang ng Official Payment Channels
Para bayaran ang multa online, i-scan ang designated QR code sa NOV para ma-access ang official LGU NCAP portal kung saan pwedeng magbayad gamit ang authorized payment methods, kabilang ang bank transfer o e-wallet transactions.
Kung hindi mabayaran agad ang multa at walang maihahain na pormal na protesta sa loob ng 10 working days mula pagtanggap ng NOV, magkakaroon ng alarm sa LTO ang sasakyan. Kapag may active alarm ang sasakyan, hindi maaaring ma-renew ang rehistro nito o mag-proseso ng iba pang transaksyon sa LTO hangga’t hindi nababayaran ang mga pending na multa. Maaari pa ring bayaran ang multa kahit may active alarm na ang sasakyan.
May Proseso para sa Pag-contest ng Violation
Kung sa tingin mo ay may sapat na batayan para kwestyunin ang violation, maaaring maghain ng pormal na protesta sa loob ng 10 working days mula sa pagtanggap ng NOV. Maaring mag-file ng formal protest nang personal sa city hall o online sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na makikita rin sa NOV.
Panatilihing Updated ang Vehicle Registration Records
Tiyaking updated ang vehicle registration records at registered address sa LTO. Para sa mga may-ari ng secondhand vehicles, mahalagang maayos ang pag-transfer of ownership ng sasakyan upang maitala ang tamang pangalan at address ng kasalukuyang may-ari nito.
Ang updated records ay makatutulong upang matiyak na ang NOV ay ipadadala sa tamang recipient at maiwasang magpatong-patong ang mga multa.
Patuloy ding hinihikayat ang publiko na sumunod sa traffic regulations at maging responsable sa paggamit ng mga kalsada upang makatulong sa pagsulong ng mas ligtas at mas disiplinadong transport environment sa Metro Manila.
Narito ang mga opisyal na LGU NCAP Portal links at hotlines para sa karagdagang impormasyon:
- City of Manila
- 02 8 295 8041
- https://www.gomanila.com/nocontact
- Muntinlupa City
- 02 8 295 8049
- https://muntinlupacity.nocontact.ph
- Quezon City
- 02 8 295 8045
- https://nocontact.quezoncity.gov.ph
- San Juan City
- 02 8 295 8040
- https://nocontact.sanjuancity.gov.ph
Elevate your digital journeys in tech-driven mobility with Traffic Network PH, powered by the Land Transportation Office.





